top of page
  • Writer's pictureKathleen Estrada

Ang Hatol sa Spratley’s Islands

Updated: Feb 7, 2019


Photo from investorintel.com "Spratly Islands’ dispute redirects investors to Hastings heavy rare earths"

Ang naging hatol ng Hague-based Permanent Court of Arbitration sa kaso ng pag-angkin ng Tsina sa Spratley’s islands ay bagamat isang tagumpay para sa pag-protekta ng teritoryo ng ating bansa, ito rin ay maaring mag-badya sa relasyon at seguridad ng mga OFW na naka-base kasama na ang mga Pilipinong naninirahan sa bansa ng Tsina.


Taong 2013 pa nag-sampa ng kaso ang Pilipinas upang makamit ang karapatan nito sa teritoryo ng Spratley’s Island at ngayong 2016 nabigay na ng hatol ang Hague-based Permanent Court of Arbitration na nagsasaad ng pag-tanggi sa pag-angkin ng bansang Tsina na hindi tinanggap ang desisyon ito.


Ang hakbang sa tagumpay na ito ay mula sa legal na stratehiya ng ating partido, na binago ang porma ng inihaing reklamo bilang isang maritime delimitation/ entitlement issue.


Sinagot naman ito ng Tsina sa pag-sambit ng mga exemption clauses sa ilalim ng UNCLOS at kinwestyon ang kakayahan ng Tribunal na mag-pasya ng hatol sa isang “fundamentally sovereignty-related disputes” at may pahabol silang argumento na nagsasabing ang sapilitang arbitrasyon ay premature.


Ang Arbitral Tribunal ay nag-kaisa sa desisyon na pumapabor sa hurisdiksyon ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo at epektibong tinanggihan ang pag-sisikap ng Beijing upang labanan ito.


Sa panayam ng dating pangulong Aquino, Hindi daw natin inabuso ang buong proseso sa pag-sampa ng kaso ng hindi kasama ang kabilang partido at ito’y ayon pa mismo sa inilabas na press release ng PCA.


Dagdag pa niya ay kanya mismong ipapabatid sa harap ng ASEAN ang mga bagong kaganapan dito.


Magkahalong saya at pagka-dismaya ang nadarama ng mga mamamayan natin lalo na ang mga mangingisda na muli na silang makakapag-layag ng malaya upang kumayod doon.


Ang mga pinuno ng mga iba’t ibang bansa tulad ng Vietnam, Australia, New Zealand, Japan, India at U.S. ay nagbigay suporta at kani-kanilang panayam ukol sa bagay na ito.


Ito’y nagpapakita lamang na kaya nating protektahan ang ating mga teritoryo at ang soberanya sa pamamagitan ng mapayapang pag-lutas ng mga isyu ng pag-angkin sa West Philippine Sea na naayon sa batas pandaigdigan.


Simula pa lamang ito, pagkat ang nasabing hatol ay maaring mag-badya ng malaking banta sa relasyon natin sa bansang Tsina pagdating sa ekonomiya at seguridad.Nangako ang Tsina na gagawin lahat para lang maprutektahan ang kanilang soberanya sa South China Sea.


Kamakailan lamang ay nagbabala ang Tsina sa mga karibal at nag-banta ng isang air defense zone doon sa Spratley’s island.


Sa usaping ekonomiya naman, hindi nalalayo ang posibilidad na maghain ng mga economic sanctions at travel bans laban sa Pilipinas.


Napabalitang kinunsidera ng Tsina ang mutual disengagement mula sa mga contested features tulad ng Second Thomas Shoal, probisyon ng trade at investment deals sa Pilipinas at pati ang pag-pospona ng prospektibong implementasyon ng Air Defense Identification Zone sa South China Sea na inalok sa administrasyong Aquino.


Ang mga OFW at mga Pilipino naninirahan sa Shanghai, China naman ay maingat sa kanilang mga kilos at salita lalo na sa pag-gamit ng mga social media matapos ilabas ang hatol.


Ayon sa panayam na binigay ng isang ofw na “Jane”, sobra ang tensyon kung kaya’t iniiwasan nilang pag-usapan ito. Normal naman pa sa kanya ang kanyang working environment ngunit marami siyang nakikita na posts sa mga social media sa Tsina.


Iniiwasan niyang mag-comment o react sa mga posts na iyon. Ang mga opisyal ng Philippine Diplomatic Affairs ay nag-abiso na sa kanilang lahat na iwasan ang pakikipag-engganyo sa isyu na ito.


Ibayong pag-iingat ang ginagawa ng ating mga kababayan na naninirahan sa lupain ng ating karibal sa teritoryo.



Hindi pa tapos ang ating pakikipag-laban para sa teritoryo ng Spratley’s island, ang ating pagkapanalo sa unang hatol ay simula pa lamang sa maraming posibilidad kaugnay sa ating relasyon sa bansang Tsina.

23 views0 comments

Recent Posts

See All
bottom of page