top of page

Paalam Orlando

  • Writer: Kathleen Estrada
    Kathleen Estrada
  • Feb 7, 2019
  • 1 min read

Updated: Feb 7, 2019

Dito naming pinagbunyi ang kalayaan

Kung saan malaya kaming naghahawakan

Malayo sa mapanghusgang katuwiran

Pag-ibig naming walang hangganan


Sa himig ng mga awit kami sumayaw

Sinabayan, mga ilaw na gumagalaw

Kapiling an gaming mga kapatid

Ngayon dito sa bahagharing langit


BANG! BANG! BANG!


Sa isang iglap, tumigil ang mundo

Muhi nila sa amin ay bumuhos

Langit naming sa kanila’y impyerno

Sakit sa lipunan kami’y magpakatotoo


Ibabaon kita sa bitak na lupa

Sa langit sana tanggapin ka Niya

Lumuha man sila na parang santo o santa

Di ko ito alintana pagka’t wala ka na

Sa mundong walang ibang ginawa

Kundi manghusga sa lahat ng kapwa


Kaya paalam minamahal kong Orlando

Lalaban ako hanggang sa mag-kita tayo.




Comments


  • twitter

©2019 by Curiosity Killed Kath. Proudly created with Wix.com

Subscribe Form

bottom of page