top of page
  • Writer's pictureKathleen Estrada

Iyak-Tawa ako sa Math Section ng UPCAT

Updated: Feb 7, 2019


Photo from Rappler "UPCAT 2017 results released"


Naalala ko pa yung unang beses kong naramdaman maging legit na “adult”. Kailangan ko na daw kasi pumili ng mga university. Ayos! Kaunti nalang at graduate na ako dito sa high school drama.


Pero sandali lang, kailangan ko muna siyempre makapasa sa mga entrance exams. Life ain’t that easy besh!


Malamang heartthrob ang UP sa mga pinagpipilian ng mga mag-aaral na mag-eexam. Ako naman itong si ambisyosang palaka, naki-uso sa kanila (libre naman kasi pag nasa top 10 ka ng klase at public school pa).


Kaya nung nasa upuan na ako, nakalabas na ang eraser pati ang ispesipikong lapis na sinabi nila at sabik na may halong nerbyos kong sinimulang sagutan ang exam.


Ayos lang ang lahat hanggang sa makarating na ako sa Math section ng questionnaire kung saan ako naging iyak-tawa.


Yung tipong mapapaisip ka na baka minagick ka lang ng mga naging guro mo sa math dati kasi alam mo naman sa sarili mo na hindi ka absent sa mga turo nila pero ba’t di mo malaman kung anong gagawin.


Puro ka kasi laro ng Farmville o ng Flames


Yung tipong pagdududahan mo na ang pagkatao mo dahil hindi mo talaga maintindihan ang bawat item at mapapangatlong basa ka na sa isang tanong pero nga-nga pa rin. Taga-Earth ba talaga ako? Baka alien pala ako, pinadala ng mga alien kong parents dito dahil nasa peligro buhay namin sa orihinal kong planeta.


Budburan kita diyan ng dinurog na Kryptonite


Yung tipong nakikita mo yung solution scratch ng katabi mo na halos puno na ng mga computations at graphs tapos heto ka, nag-iimbento nalang ng pormula at kunwari pang nag-solve. Lagay ng equations,damihan ang numero at variables saka bilugan kuno ang final answer. Wag lang blanko yung scratch paper.


Panahon mo na para magkunwaring artist.


Yung tipong mas nanaisin mo pang friendzoned o makitang may ibang kalandian si crush kesa itake yung math section ng UPCAT. At least pwede kang magdrama,humugot at mag-move on. Pag bumagsak ka sa upcat dahil sa math section, baka deliks na yung budget mo sa kolehiyo.


Wag ka na umasa sa malupit na walwal o lakwatsa


Yung tipong mapapakanta ka sa lyrics na “Is this the real life? Or is this just fantasy?” o di kaya'y “Eenie meenie mini mo” habang labag sa loob mong binibilugan ang letrang mahintuan ng kanta dahil “Sabi ba ng Diyos? Oo.”

Mapapakanta ka nalang din ng: "Oh Diyos ko! Ano ba naman ito?"


Yung tipong dapat pinagpapawisan ka na sa nerbyos dahil malapit na matapos ang oras na nakalaan sa math section pero di ka pa tapos doon pero di mo talagang magawang pag-pawisan kasi naka-aircon kayo. Tapos naka OOTD ka pa kasi andami mong kasabayan na mag-tatake mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas at ayaw mo parin masapawan sa fashion o gusto lang mag-pacute.

Sa susunod kasi, magdala ka ng jacket!


Exam ang pinunta mo diyan at dapat makinig ka kay Jon Snow.


Lahat yan naransan ko at akala ko talaga kundi ko masasagot ng tama yung mga tanong ng math section ay hindi ako karapat-dapat tumuntong sa kolehiyo. Right minus wrong pa daw. Kaya ang ginawa ko nalang ay leave it blank pag di talaga alam.


Ba’t ko naman ipagpipilitan ang hindi talaga kaya at alam ko namang walang kasiguraduhan? Baliw na talaga ako at pati ba naman sa exams ay napapahugot. Pero siguro obvious naman na sa huli, bumagsak din ako sa UPCAT.


Nagdrama pero naka-move on naman ako (pati na ang pamilya ko na may singlaki ng universe ang expectations) at masaya na ako sa kasalukuyan kong pinapasukan na kolehiyo.


Oo iyak-tawa ako nung oras na yun habang sinasagutan ang math section ng UPCAT pero ngayon napapa-iyak nalang ako sa tawa dahil andami kong kadramahan, hugot at alam sa isang bagay na halos ilang taon na ang lumipas.

16 views0 comments

Recent Posts

See All
bottom of page